TANAUAN CITY, Batangas – Kahit pababa na’t halos wala nang naitatalang mga bagong kaso Covid ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng inspection ng Tanauan City Government sa Safety Seal Inspection and Certification Committee.
Binubuo ng mga kinatawan ng mga tanggapan ng Business Permits, and Licensing Office (BPLO), City Health Office (CHO), City Information Office (CIO), Bureau of Fire Protection (BFP), at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) and SSICC.
Layunin ng inspeksyon na siguraduhing palagiang sumusunod sa itinakdang “minimum public health standards” at gumagamit ng “contact tracing tools” alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga kaugnay na establisyamento upang labanan ang pagkalat ng CoViD-19.
Ang mga establisyamento na sumailalim sa inspection noong May 24, 2022 ay ang mga sumusunod:
- Electro World
- Fun Time (Victory Mall)
- Honda (Waltermart)
- Simply Shoes (Waltermart)
- World of Fun Waltermart
Ang Safety Seal Certification ay isang boluntaryong certification scheme ng mga local government units upang tiyakin na sumusunod ang business establishments sa minimum public health standards kasama na ang contact tracing sa pamamagitan ng StaySafe.ph. (Ogima)