Author: Ariel Inton

Ariel Inton

Si Atty. Ariel Enrile Inton ay dating Majority Leader ng Konseho ng Quezon City. Halos hindi na mabilang ang kanyang mga nailunsad na proyekto sa lungsod para sa taumbayan. Kabilang na rito ang mga pagtatayo ng Day Care Centers, de-clogging ng drainage system at rehabilitation ng streetlights sa iba’t ibang barangay sa kanyang distrito at kung anu-ano pa. Sa kanyang kandidatura bilang alkalde ng lungsod dati, isinulong ni Inton ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon; maayos na kalusugan at kaligtasan sa mga residente ng Quezon City kasama ang crime prevention kaya’t ang mga naturang proyekto ay kabilang sa kanyang mga prayoridad. Sa kasalukuyan, may binibigyan ng pansin ngayong ng abogado ang ipaglaban ang kapakanan ng taumbayan partikular na riding public, commuters, at ordinaryong mga namamasada o naghahanap-buhay sa transportasyon. Kasama ang kaibigan niyang kapwa abogado, ito ang dahilan kung bakit niya itinatag ang LCSP o Lawyers for Commuters Safety and Protection.

Nagpapasalamat ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board at pinakinggan nila ang mga pagtutol ng mga motorista sa balak na magpataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways.   Ibig sabihin ay mananatili ang mga cash lanes sa mga tollways. Matapang rin ang pahayag ng Toll Regulatory Board na pagmumultahin nila ang mga toll operators at RFID providers na palpak sa performance indicators kabilang ang delay sa pagpasok ng RFID load at palpak na mga barriers. Pero may isa rin pong mungkahi ang LCSP kung…

Read More

Wala. Period. ‘Yan ang tumpak na kasagutan sa katanungan na nasa headline.   Ayon sa Executive Order 202, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board lamang ang may kapangyarihan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing ahensya.    Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag-extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng mga pasahero? Ito ang problema na pinarating ng mga LGU, pasahero at transport operators sa Gobernadora ng Cebu.   Noong panahon ng pandemya ay binuksan ang ilang ruta sa lalawigan ng…

Read More

Isa sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan. Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin.  Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller.  Isang Montero na halos Isang Milyon piso ang halaga ang ipinakita sa kanya sa parking lot ng isang sikat na mall. Hindi gaanong bihasa sa pag inspect at pagbusisi ng dokumento ang biktima kaya lalong madali na nakumbinsi siya ng seller. Maliban sa sasakyan ay pinakita sa kanya ang isang blankong deed of sale na pirmado…

Read More

Isa sa pinakamaraming maling entrada sa birth certificate ay ang maling gender o kasarian.  Pinanganak na lalaki, nairehistro na babae. Ayon sa Helpline ng Philippine Statistics Authority ang maling gender ay isa lang clerical error kaya maaring maitama ‘pag nag-file ng petition for correction of gender sa Local Civil Registry (LCR) kung saan nakarehistro ang birth certificate. Ito ay ayon sa batas RA10172. Ang hangarin ng batas ay para gawin na mas madali ang pagtatama ng mga entrada sa birth man o marriage certificate at iba pang dokumento na maliit lang ang gastos. Noong wala pa ang RA10172 ay sa…

Read More

Nanawagan si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na aniya, “now that the Supreme Court has issued a TRO (temporary restraining order) against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them.” Marahil ay ang Korte Suprema ang makasasagot nyan kapag naglabas na ito ng hatol.  Sa ngayon ay malaking pasalamat ng public transport, motorista at mga iba pa sa Korte Suprema na naglabas ng TRO laban sa NCAP (no contact apprehension policy). Pero posible bang ma-refund ang ibinayad na multa sakaling ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang NCAP na ipinatupad ng…

Read More

Hiniling ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB (Land Transportation and Franchising Board) sa Metro Manila Commission na kung maaari ay suspendihin muna ang NCAP apprehension sa mga public transport  upang matugunan ng mga operator ang pangangailangan ng mga pasahero sa pagbabalik ng face-to-face classes. Pumayag agad ang MMDA. Pero ang limang NCAP mayors ay walang say dito. Nauna na kasi ang pahayag nila na wala silang balak ipasuspinde ang kanilang panghuhuli kahit isang katutak na ang reklamo sa pagpapatupad ng kanilang NCAP. Malaking tulong ang ginawa ng LTFRB, DOTr at MMDA.  Dama nila ang kalbaryo ng public trsnsport at…

Read More

MARAMING SALAMAT SA LTO at hindi na nito ia-alarma ang mga sasakyan na may unpaid NCAP violation sa LGU.   Ibig sabihin kung ang sasakyan mo ay for renewal ang registration, ipo-process ito ng LTO kahit may NCAP violation. Malaking ginhawa ito sa mga operators at registered owners. Tama naman ang LTO dahil kasi noong panahon ni ASEC Galvante ay hinostage ang renewal ng rehistro dahil sa NCAP. Salamat Asec Guadiz at hindi mo itinuloy ang kapalpakan ng pinalitan mo sa LTO. Ano ngayon ang nangyayari sa LGU.   Sabi ng Quezon City tuloy pa rin daw ang panghuhuli ng NCAP nila. …

Read More