
Unang karanasan sa buhay ang naranasan kamakailan ng bumuhos ang ulan na ‘di mawari ang dami ng tubig na bumababa mula sa itaas. Sa pagtaya, masasabing higit ang dami ng tubig ang bumuhos kahapon kahit ‘di kahabaan ang oras ng pagbagsak kumpara sa Undoy. Sadyang bagong karanasan ang banggit sa itaas dahil sa kauna-unahang naranasan ang pagbaha sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng anim-napung taon (60) sa paninirahan sa lugar. Maraming kakaibang naranasan sa pamayanan sa pamantasan ngunit isa ito sa umukit ng atensyon dahil sa malawakan ang pagbaha na ‘di narasan tagal ng pagtira o pagtigil sa UP Diliman. At sa totoo lang, isa ang UP ang lugar na may kataasan sa Lunsod ng Quezon.
Sa natunghayan na ‘di ibig na tumawid ng maraming sasakyan sa isang bahagi ng “campus” at ang “counter flow” (sa palabas na kalsada patungong commonwealth) ng marami at buhol – buhol na mga sasakyan na pumapasok sa University Ave., ang nagpatingkad sa pakuwari na malakas at maraming ibinagsak na tubig ulan ang kaganapan noong Sabado. Sa pag-uwi, kagyat na binatid ang lawak ng pag-ulan at pag-alam sa kalagayan ng mga mahal sa buhay na maaring naipit sa malawakang pagbaha sa lunsod. Sa binuhos na ulan marami sa mga QC ang dumanas sa mataas pa sa taong baha at ginabi sa pag-uwi upang magpahupa sa lalim ng tubig baha sa kakalsadahan.
Sa pagbaha ng maraming lugar sa lunsod ‘di mapigil ang inis at ‘di tampo sa mga opisyal ng bansa na pikit mata sa kagalingan ng mamamayan. Ang ‘di pagpapabaya sa bayan ang salang galawan na pansin sa mga halal ng bayan o maging sa mga naitalaga. Ang masakit, tila may liwasan ang bayan na pilit inaalo ang sarili sa kakulangan ng mga opisyal ng bayan. Ang kawalan ng pagkalinga sa kaganapan sa paligid at ang makasariling galawan ng opisyal ng bayan ang nakakarimarim na pag-uugali. Habang alumpihit si Mang Juan at pamilya sa ‘di mapigil na pagtaas ng tubig baha na labas pasok sa tirahan, ‘di nasilip ang mukha o anino ng mga opisyal na inaasahan, nahan kayo?
Sa paglalahad ni Jun Singhot sa mga proyektong ‘di nasilip ng bayan na tinustusan ng bilyon bilyong halaga, ang karanasan sa pagbaha ang malinaw na dahilan upang ipakulong ang may sala sa bayan. Nakakagigil na makita ang maraming lansangan, bahayan at mga pamayanan na dumanas ng malawakang pagbaha gayong ‘di mawari ang laki ng pondo na inilaan upang ‘di maganap ang naranasan. Sa mga kinatawang bayan nahan ang konsensiya at kayang sikmurain ang kaganapan na hinaharap ng bayan na nagluklok sa inyo sa pwestong tangan.
Sa kabilang banda, mahusay sa pagsasanay ang ilang tangapan ng pamahalaan ngunit wala sa oras ng panganib at tuwiran kailangan ng mga Pinoy na nasa bingit ng pangangailangan. O’ kailangan ng atas mula sa mga opisyal na mabilis ang paggalaw kung may photo-op at mailalahad ang ngalan. Pang publisidad ba ang mga galawan sa pagsagip sa buhay ng mga tao sa laylayan at ‘di aasahn o magagawa kung walang banggit sa opisina o ngalan. Sa opisyal ng pamahalaan, magbago na kayo at gumalaw ng kusa para sa kagalingan ng bayan. Kulang ba ang bilyon bilyong napakinabangan o sadyang wala sa puso ang pagtulong sa tao sa laylayan?
Sa totoo lang, mahirap pumasok sa pinto ng langit ang taong nagsamantala sa kapwa tuwiran o hindi dahil batid ang salang gawa ng sanlumikha. Sa pagpasok sa pinto ng langit ang mga dukha’y tunay na may lugar ngunit kailagan pa bang dumanas ng hirap sa ating mundo dahil sa kaghamanan ng mga opisyal na una ang sarili at pamilya gayung sila ang dapat paglingkuran tulad sa pangako ng mga nagpapahalal. Ang pagkakaroon ng puso ng mga nanunungkulan sa tao sa laylayan ang bagay na inaasahan sa tao sa pamahalaan ngunit nahan. Hindi naghahanap ng marangyang buhay si Mang Juan subalit ang matiyak na ang buwis na ibinabayad ay nagagamit sa tamang serbisyo higit sa oras ng sakuna.
Hindi mawala sa damdamin ng karaniwang tao ang kasiyahan na mamalas ang tulong ng mga tao ng pamahalaan higit sa panahon na naka-salang ang buhay na dulot ng likas na kaganapan. Sa totoo lang, di alintana ng tao sa laylayan ang malakas na ulan ngunit ang pagdaloy ng baha mula sa ‘di inayos na mga daluyan ng tubig ang sakunang nagpapahapdi sa kirot ng sugat na dulot ng kasakiman ng iilan. Ang ‘di madamang pag-aalaga sa mga taong inaasahan higit sa panahon ng pangangailangan ang lupit na pagkakamali na ‘di inaasahan. Ganap ang pagkakamali sa buhay ngunit sa nakitang malawakang pagbaha sa bansa sa kaMaynilaan ang salang nagawa na ‘di nasilip at nailuklok sa pwesto ang mga sakim sa salaping bayan.
Ang naranasang pagbaha sa bansa, sa kaMaynilaan higit sa Lunsod Quezon ang kamulatan na ipinaaabot sa pamahalaan na kailangang panagutin ang may sala sa pagpapabaya o pagbubulsa sa bilyon bilyong salapi ng bayan na dahilan ng baha, baha baha lahat baha higit ang mga lukbutan ng mga opisyal na ‘di makita sa panahon ng sakuna. Tuwirang ipinaaabot na kailangang may managot sa kaganapan na ‘di likas sa halip ang kagagawan ng mga sakim na opisyal na sarili at pamilya ang una at ‘di ang bayan. Mahiya naman kayo sa balat Ninyo at masayang lumalantak ng pagkain sa hapag ng bayan habang si Mang Juan ay namamaluktot sa ginaw dahil sa bahang naglabas pasok sa bahay.
Panghuli sa pangulo, pag-aralang ibalik ang Project Noah para sa kaligtasan ni Mang Juan sa panahon ng may likas nakaganapan sa bansa. Ang bilyon bilyong halag na ninanakaw sa bayan bakit ‘di gamitin sa programang may pakinabang sa mga tao sa laylayan.
Maraming Salamat po!!!!