BEYOND RF by: Rodel Fernando
Super bongga at matagumpay ang ginawang Chinese New Year (CNY) party ng negosyanteng si Rhea Tan kasama ang celebrities na sina Sylvia Sanchez, Sam Milby, Carlo Aquino, DJ Jaiho, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Sexbomb Sunshine at marami pang iba sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.
Kasabay ng CNY celebration, nagbigay din ng tips for success si Tan habang ipinagdiriwang ang 1st anniversary ng 7-storey building kung saan nakatayo ang kanyang mga negosyo— Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue.
Sabi ni Tan, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.”
Dagdag ng business magnate, “Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”
Sa tanong na ano ang kahulugan ng ‘success’ para sa kanya, sagot ni Tan sa media, “When you see that the community you’re supporting thrives, I count that as personal success.”
Nagkaroon din ng building tour kasama ang guests at celebrities. Ipinakita ng Beautéderm boss ang Beauté Beanery kung saan nag-ooffer ng premium coffee, drinks, at food items; ang BeautéHaus naman ay kilalang skin clinic kung saan nagpro-provide ng beauty services at treatments; at ang A-List Avenue ay nagbebenta ng authentic high-end brands at designer labels.
Patuloy naman ang pamamayagpag ng Beautéderm at BlancPro sa market at plano pa nilang magdagdag ng products na safe at effective.
Nominado rin ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year.
Voting will start on March 5 to April 5. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media pages ng Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue. Available rin ang skincare products sa Shopee, Lazada, at Tiktok.
Pagdating talaga sa negosyo ay napakagaling talaga ni Rhea Tan kaya naman lahat ng pasukin niya ay nagtatagumpay siya.
At hindi lang sa negosyo magaling kundi pati sa pakikisama at pagtulong at isa kami (this writer) sa mga inaalagaan niya at minamahal.
Siyempre pa, namumutakti rin sa dami ng mga nabibigyan niya ng trabaho at napag-aaral. Ngayong 2024 ay wish namin na lalo pang lumago at lumawak ang mga negosyo ni Ms. Tan para marami pa siyang matulungan at mabago ang buhay.
–edited/posted by Anne Venancio