GINIBA ng mga kalaban ni Bulacan Governor Daniel Ramirez Fernando ang kanyang reputasyon bago ang halalan noong Mayo 12 sa pamamagitan ng malisyosong black propaganda. Kumalat ang isyu na diumano’y mayroong romantic relationship si Gov. Daniel sa aktres na si Kim Rodriguez.
May mga tsismis pa na nagsasabing nagbigay si Gob. Daniel ng luxury car kay Kim bukod pa ang allowance na isang milyong piso tuwing nagkikita sila.

Ngunit lumabas na ang litrato na ginamit upang patunayan ang paratang ay kuha pa noong panahon ng pandemya (2022), kaya malinaw na hindi tumutugma ang panahon ng mga akusasyon.
Tinawanan lamang ito ng mga kaibigan at katrabaho ni Gov. Daniel dahil kilala siya bilang maingat at responsable sa paghawak ng pondo ng bayan.
Para kay Gov. Daniel, mas mahalaga ang tapat na paglilingkod sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga proyekto para sa kapakanan ng lahat katuwang ang kanyang Vice Governor na si Alex Castro kaysa mga walang basehang intriga.
Aniya, malabong maging totoo ang mga paratang lalo na kung may kinalaman ito sa katiwalian.
Malinaw na hindi naniniwala ang mga Bulakenyo sa mga malisyosong black propaganda ng mga kalaban ni Gov. Daniel. Pinatunayan ito ng malakas na boto na kanyang nakuha noong halalan na umabot sa 1,177,329, na labis na mas mataas kumpara sa mga boto ng kanyang mga kalaban — sina dating Gobernador Wilhelmino Alvarado na may 277,044 boto at si Bogs Violago na nakakuha ng 266,163 boto.
Sa ngayon, nakatutok si Gov. Daniel sa kanyang mga proyekto na mapakikinabangan ng kanyang mga nasasakupan.
Nanawagan naman ang mga taga-Bulacan sa mga mapanirang kalaban na itigil na ang mga intriga dahil tapos na ang halalan. Panahon na para magbalik-trabaho at magkaisa para sa ikauunlad ng lalawigan.
