DA WHO?
By Junex Doronio
Sa gitna ng umuugong na usap-usapan sa mga barber shop, beauty parlor, Zumba sessions at sa mga palengke, mahina na raw ang katawan ni Mayor Mel pero tumatakbo pa rin sa pwesto. Ang anak niyang si April Aguilar — kasalukuyang vice mayor — ay siya namang tumatakbo bilang mayor.
Di pa nakontento at ang isa pang anak na si Alelee ay tatakbo rin bilang konsehal.
Ang masaklap, ayon sa ating kuliglig, habang may mga planong magpatuloy sa kapangyarihan, ang performance nila ay bagsak na bagsak. Kung titignan ang nangyayari ngayon.
Hindi ito tsismis, diin ng reliable kuliglig natin. Ito ang epekto ng matagal nang pamumuno ng isang pamilya na puro tsismis at kung paano kumita lang ang nasa isipan— at ngayon, gusto pa raw itong ipamana sa susunod na henerasyon.
KAMAKAILAN bumubulaga ang mga balita na nagbibigay ng hindi magandang imahe sa dating maunlad na lungsod ng Las Piñas tulad ng natuklasang shabu lab, patayan sa paaralan, tahimik na pamahalaan, raid sa mga POGO na iniutos ni PBBM na kailangang durugin dahil sa mga ilegal na aktibidad ng mga ito.
Maliwanag pa sikat ng araw na may malalim na problema sa pamumuno ang bayan.
Nitong mga nakaraang araw, mapapakamot ka na lang ng ulo at mapapatanong: “Anong nangyayari sa lungsod?”
Hindi pa tapos ang balita sa isang shabu lab na nahuli sa loob ng subdivision, heto na naman — dalawang estudyante, nasaksak at napatay ng sarili nilang kaklase! Aba’y hindi ito eksena sa pelikula — real life tragedy ito, at nangyari sa syudad na akala natin ay tahimik at maayos.
Ang masaklap, parang walang paramdam ang city hall. Tahimik. Walang pahayag. Walang agarang aksyon.
Ang tanong ngayon ng mga taga-Las Piñas:
Nasaan si Mayor Mel Aguilar?
Kung ang nangyayari ngayon sa lungsod ay magiging batayan, wala silang maipagmamalaking track record simula noong mamatay si Mayor Vergel “Nene” Aguilar.
Kung ito ang klase ng serbisyo na matatanggap natin mula sa political dynasty na ang specialty ay pampa-byuti, hindi ba’t panahon na para tuldukan ito?
Las Piñas used to be known for discipline, innovation, and order. Pero ngayon, droga, sugal, karahasan, at iba pang nega ang headline.
Hindi na puwedeng ipikit ang mata. Hindi na puwedeng manahimik.
Ngayong halalan, gisingin natin ang Las Piñas. Piliin ang lider na tunay na may malasakit — hindi ang mga naghahari-harian na bagsak sa serbisyo.