Nasa 5,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng 3,000 puwersa ng Manila Police District (MPD) at 2,000 augmentation force mula sa iba’t ibang unit ang magbabantay sa seguridad sa kapistahan ng Poong Itim Nazareno sa Enero 9, alas tres ng hapon.
Ang mga pulis ay itatalaga sa Quirino Grandstand kung saan magsisimula ang Walk of Faith at sa bisinidad ng simbahan ng Quiapo.
Nabatid na walang ipuprusisyon na replika ng Itim na Nazareno at walang magaganap na Traslacion.
