Mula nang ipatupad ang Libreng Sakay para sa mga estudyante noong ika-22 ng Agosto hanggang ika-8 ng Setyembre, iniulat ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na umabot na sa 258,411 ang bilang ng mga mag-aaral na nabigyan ng libreng sakay ng LRT-2.
Ang mga istasyon ng Recto, Legarda, Marikina, Antipolo at Cubao ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga estudyante na naserbisyuhan ng libreng sakay.
Para sa mga estudyanteng gustong mag-avail ng libreng sakay, magtungo lamang sa Passenger Assistance Office (PAO)/Tellers Booth at ipakita ang valid physical ID o registration form. Kunin ang ibibigay na Free Ride Single Journey Ticket (SJT) na siyang gagamitin sa pagpasok at paglabas ng istasyon.
Ang Libreng Sakay para sa mga estudyante ay mula Lunes hanggang Sabado, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi maliban lamang sa araw ng Linggo at holiday.
Ang Libreng Sakay ay magpapatuloy hanggang ika- 5 ng Nobyembre 2022.