“LAVABLE” NI: WENDELL ALVAREZ
SUMABAY kami sa daloy ng mga fans with Romel Chika na nagbigay-pugay sa nag-iisang Superstar and National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, (Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay) ng dumalaw kami sa the Heritage Chapel sa Taguig.
Pang-apat na araw na ng lamay ni Ate Guy pero dagsa pa rin ang mga tao, artista man or fans, talagang gusto nilang makita si La Aunor kahit sandali lang.
Maayos ang pila ng mga fans na gustong makita ang kanilang idolo limang dekada na ang nakararaan pero nandun pa rin ang kanilang paghanga.
Binigyan ng pagkakataon ng pamunuan ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) ang mga tagahanga. After nila nilang masilayan ang Superstar, nagkaroon sila ng necrological service mula 4pm hanggang 630pm.

Present naman ang mga anak ng National Artist na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth de Leon, kung saan after ng service, sinabi ni Ian, malaki ang pasasalamat niya sa mga taong hindi iniwan ang kanyang nanay simula noon hanggang sa kanyang huling hininga.
Ayon naman kay Balot, “Ibinigay ng mama ko ang buong buhay niya sa inyo kaya dapat lang na bigyan din kayo ng halaga.”
Nakiusap naman si Lotlot sa mga Noranians na sumunod sa schedule na ibinigay sa kanila ng NCCA dahil marami pa raw mga bisita ang darating.
Sinabi pa niya na kung sino ang gustong sumama sa funeral state on Tuesday, April 22, hintayin ang announcement ng NCCA sa kanilang social media.
Namataan din namin ang long time partner ni Nora na si John Rendez na talagang marespeto ito at hindi nakikialam sa takbo ng lamay, basta nandun lang siya nagmamasid at nagbabantay sa itinuturing niyang manager.
oOo
HINDI man nakarating si President BongBong Marcos, nandun naman ang kanyang representative na si Secretary Jaybee Ruiz, Chief of the PCO–Presidential Communications Office.

Ayon kay Jake Joson, tumawag daw ang President kay Sec na dumalaw kay Nora Aunor, our National Artist para ipaabot ang kanyang pakikiramay dahil umuwi raw silang pamilya sa Ilocos with FL Liza Marcos for lenten season.
Nagpapasalamat naman ako kay Sec. Ruiz dahil ng ipinakilala ako ni Jake, agad niyang sinabing napapanood ko siya sa YouTube with Cristy Fermin at SNN (Showbiz Now Na), so updated pala siya sa kaganapan in ShowbizWorld.
Kilala siya as Jay Ruiz, isang Filipino Broadcaster and artist kaya siya ang na-appoint sa kasalukuyang administration at nag-opisina sa Malakanyang.
Sinabi naman ni Jake kaya siya nandun para mag-condolence kay Ian kung saan matagal niya itong nakasama sa mga action movies kaya halos mag-kumpare na ang turingan nila sa dami ng pelikulang ginawa nila.
Hindi man daw niya nakasama ang Superstar sa mga pelikula nito, naging kasama at magkaibigan naman daw sila ni Ian.
Nasilayan din namin ang PCSO Director na si Imelda Papin, dating beauty Queen Azenith Briones, famous character actress Mama Daisy Romualdez, Bembol Roco, Kokoy Laurel na may dalang isang magandang painting ni La Aunor, famous kontrabida Celia Rodriguez, ang hindi nagbabagong kagandahan Ms. Chanda Romero, siyempre ang The Revival King Jojo Mendrez na talagang ‘di makapaniwala sa pagkawala ng kanyang idolo Nora Aunor….#AbawAh
