Matapos mabalitaan na lilipat raw si Carla Abella sa ABS-CBN, Matapos mabalitaan na lilipat raw si Carla Abella sa ABS-CBN, at heto nanaman na isa pang Kapuso artist na sinasabing gusto na ring lumabas sa bahay ng GMA.
Mahirap atang paniwalaan na next in line sa mga gusto mag-oober da bakod raw ay si Jennylyn Mercado.
Hindi basta lang na isang Kapuso artist si Jennylyn. Isa siyang homegrown artist who traces her roots to GMA’s artista search ng Starstruck nito.
Si Jen ay ang unang-unang produkto nito along with Mark Herras.
Kung susumahin, more than 20 years na ang lumipas since then.
Masasabing “spoiled” ang aktres sa GMA.
Ilang beses na kasi siyang pinahintulutang gumawa ng mga proyekto sa labas ng GMA.
Nang magkaroon siya ng clotting on the set of Love. Die. Repeat, Jennylyn was allowed to take a leave until she felt she was ready to work again.
Isinantabi lang muna ang LDR pero hindi siya pinalitan.
Wala ring ipinalit na ibang bida roon opposite Xian Lim.
Kung perks at perks sa trabaho din lang ang pag-uusapan, Jennylyn is no doubt enjoying tons of it.
Ganoon siya kamahal, kaalaga at pinahalagahan ng istasyong nakatuklas at nagsilang sa kanya.
Tsismis nga lang kaya na lalayas siya sa GMA?
Or is there truth to it?
At kung totoo–which we hope not–ano naman ang dahilan?
Sana’y “fake news” lang ang balitang paglayas ng aktres!
