TAON 2002 nang nilisan ng dating sexy actress na si Marinella Moran ang Showbiz at pumunta na ito sa ibang bansa para doon makipagsapalaran.
Noong una, sa Japan siya at pabalik-balik siya ng Pinas hanggang sa makapag-asawa.
Naging maganda ang naging buhay ni Marinella. May maayos na pamilya at ngayon ay may business na siya na itinayo sa Singapore at may bahay din siya dun.

Madrama ang pagbabalik na ito ng dating sexy actress dahil maiyak- iyak ito sa tuwa nang makaharap ang mga reporter na noon ay tumutulong sa kanya nung active pa sa Showbiz.
Iisa ang tanong ng mga Press kay Marinella, bakit siya nagbabalik showbiz samantalang maganda na ang buhay niya?
“Na-miss ko ang Showbiz at ang mga dating kasama lalo na ang mga reporter na noon ay kasa-kasama ko at tumutulong sa akin. Gusto ko ulit makita at makasama sila ngayon, puwede na ako tumulong sa kanila,”, litanya ng aktres.
“Kahit nasa malayo na ako, palagi pa rin naman akong connected sa mga dating friends ko sa Showbiz. Nandyan pa rin ang dating manager ko na si Nanay Lito de Guzman. At kayo na ang palaging nasa tabi ko mula noon hanggang ngayon,” diin pa niya.
Ang balita namin, may malaking PASABOG ang isang Marinella sa kanyang pagbabalik, ano ito?
“Actually, not a pasabog. Gusto ko lang din naman na makatulong kahit papaano sa mga Showbiz industry kaya plano naming magprodyus ng pelikula. Nakipag-usap na kami ng aking manager sa kay direk Joel Lamangan, kung puwede namin siyang kunin as director. Ayon, okey naman at sana tuluy-tuloy na,” pagwawakas ng aktres, negosyante.
