By Oyeth V. Banayo, BG Showbiz Plus Magazine
Marami pa ring mga tao ang may mabubuting kalooban at ito ay patuloy na pinatutunayan ng Public Assistance For Rescue Disaster Support Services (PARDSS) Foundation International Inc. sa nakalipas na maraming taon.
Ang PARDSS FII ay nagsimula bilang isang Non-Governmental Organization (NGO) sa loob ng anim na taon. Naging ganap na international foundation ito noong 2013 sa ilalim ng bagong pamunuan ni Arcie D. Fabon na pangulo at tagapagtatag.


Maaasahan ang PARDSS FII volunteers sa oras ng matinding pangangailangan gaya ng mga di isaasahang kalamidad gaya ng sunog, lindol, bagyo at mga sakuna. Katuwang din ang mga kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga pamayananan. Kabalikat din ang PARDSS sa mga iba’t ibang anti-crime activities sa ilalim ng Station Police Community Relations (SPCR).
Dahil sa mabuting hangarin at tapat na paglilingkod, lumawak at higit na lumago ang kasapian ng PARDSS FII hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Italy, Korea, Japan, Korea, Hong Kong, Singapore, Saudi Arabia, Riyadh, Spain at marami pang iba.

Bilang kasapi ng PARDSS FII, bawa’t isa ay dumaraan sa mga pag-aaral at patuloy na pagsasanay kaugnay sa rescue gaya ng Disaster Preparedness, Basic Life Support (BSL), First Aid & First Responder Training, at mga kasanayan sa anti-crime activities sa ilalim ng PNP (Philippine National Police), NBI (National Bureau of Investigation) at iba pang sangay ng pamahalaan.
Ang PARDSS FII ay ang tanging samahan na accredited ng International Disaster Rescue Respondent Corp (IDRRC) at International Human Resource Development Council (IHRDC) ng India, gayundin ng Association of Chief of Police of the Phils. (ACPPI), PCRG-PNP, Philippine Blood Bank, Philippine National Red Cross, DSWD (Department of Social Work and Development), National Council for Disability Affairs (NCDA), Motorcycle Phil. Federation at iba pang mga sangay ng pamahalaan.

Sa paniniwala at pagtitiwala ni Baby F. Go, President/Founder ng PC Goodheart Foundation at Chapter Commander ng Mandaluyong City, nagkaron ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng PARDSS at PC Goodheart, partikular ang Manila Chapter na may 12 taon nang naglilingkod sa pamumuno ni City Commander Oyeth V. Banayo, na siya ring National Public Information Officer.
Hindi na mabilang ang pagkilala at mga karangalan na patuloy na tinatanggap ng samahan. Binuksan ang PARDSS FII Youth & Kids Sector upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maakay at makabalikat sa magaganda at kapaki-pakinabang na simulain at gawaing makapaglingkod.
Patuloy pa rin ang PARDSS FIl sa paglilingkod na walang hinihinging kapalit. Ito ang pangako ng mga kasapi sa sambayanan. Ito ang alay ng PARDSS FII para sa kinabukasan, lalo na ng mga susunod na henerasyon.
