Napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na magkaroon ng “direct communication mechanism” upang maiwasan ang posibleng miscommunication sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Maritime and Ocean Affairs Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministry of Foreign Affairs ng China.
Sinang-ayunan nina Pangulong Marcos at President Xi na ang ‘confidence-building measures’ ay makatutulong sa pagpapabuti ng tiwala sa isa’t isa.
Pinagtibay din ng dalawang lider ang kahalagahan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa WPS.
