WALA na yatang ligtas kahit na sino sa mga basher, may nabasa kaming ang tila napag-tripan ay si Bianca Manalo.
May basher na tinatawag siyang political hunter, mayroon namang nagsasabi na mahilig sa politiko ang aktres.
Si Bianca ay dating beauty queen at ang ilan sa kanyang mga naging karelasyon ay mga prominenteng politiko, kabilang ang dating kasintahan na si Antique Mayor Jonathan Tan at Senator Sherwin Gatchalian.
Dahil dito, may kumukuwestiyon tungkol sa kanyang layunin, may ilan na nakikita ang kanyang mga koneksiyon bilang isang simpleng relasyon lang, samantalang ang iba naman ay nakikita ito bilang simbolo umano ng oportunismo.
Noong unang bahagi ng 2019, nagkalat ang mga tsismis tungkol sa romantic relationship sa pagitan ng aktres na si Bianca at Senador Sherwin Gatchalian matapos lumabas ang mga nasabing larawan nilang dalawa.

Pinagpiyestahan sa social media at tradisyonal media ang mga tsismis kung totoong may romantic relationship sila o may ibang paliwanag sa kanilang pagsasama sa Hong Kong. Ang espekulation tungkol sa relasyon ni Bianca at Senador Gatchalian ay patuloy na kumukuha ng atensiyon ng publiko, at noong Nobyembre ng taong iyon, ayon sa ulat, sila ay nag-celebrate ng kanilang unang anniversary.
Unang nakilala sa publiko si Manalo noong 2009 matapos siyang makoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Pagkatapos ay pinasok niya ang mundo ng showbiz at naging aktres sa ilang popular na palabas sa telebisyon.
Ngunit mas lalo itong nakilala ng madla dahil sa mga naka-relasyon na mga politiko. Ang kanyang Ugnayan kay Mayor Tan ay naisapubliko matapos silang ma-involve sa isang boat accident kasama ang aktres na si Ehra Madrigal, na nagdulot ng malawakang tsismis at espekulasyon tungkol sa kanilang magandang pagtitinginan.
Matapos maghiwalay sina Manalo at Mayor Tan, lumabas naman ang mga larawan ni Bianca sa social media kasama si Senator Gatchalian na nagsa-shopping sa Hong Kong, na muling nagbigay ng interes sa kanyang personal na buhay at mga koneksiyon sa mundo ng politika.
Ang paratang kay Bianca bilang isang ‘politician hunter’ ay nagdudulot ng maraming katanungan. Kahit na tinatrato ito ng iba bilang isang biro, marami naman ang nagsasabing simbolo umano ito ng pagiging oportunista.
Ano kaya ang reaksiyon ng magandang aktres sa mga intrigang ito?
