Brand new missile capable Shaldag Mk V fast track interdiction vessels kinomisyon ng Philippine Navy kasabay nito ng christening ceremony sa Naval Station Jose Andrada sa Roxas Boulevard sa Manila.

Ang bagong assets na Shaldag Mk V high speed vessels ay binili sa Israel Shipyards Ltd. ayon kay Navy Chief Vice Admiral Adeluis Bordado.
Unang tranche pa lamang ito na kung saan ay pito pa ang inaasahang ng bansa na darating ang mga Shaldag Mk V high speed vessels na sa pamamagitan ng Revised AFP Modernization Program.
Ang new fast track craft interdiction missile ay dinisenyo para palakasin ang capability ng Hukbong Dagat ng Pilipinas sa pagtugon sa mga banta at pagprotekta ng maritime interest ng ating bansa.

Ang naging pahayag ni Armed Forces chief Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro na nagsilbing keynote speaker na naturang event, makakatulong ang mga makabagong assets nito para sa katiyakan at seguridad na rin sa borders laban sa mga foreign instrusions nito.
Ayon kay Bacarro magsasagawa sila ng joint operations na magsusuporta para sa naval warfare sa ground troops.

