Sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na nalampasan na nila ang target collections nitong buwan ng Oktubre na umabot sa P75.5 billion o 19% na mas mataas sa target nilang P63.7 billion.

Aabot na nga sa P714.3 bilyon ang kabuuang koleksyon ng ahensiya mula Enero hanggang Oktubre na mas mataas sa target na P602.8-B.
Ito ay dahil aniya sa pinaigting na kampanya laban sa smuggling, revenue leakages at mga kurapsyon.
