Sinungaling at makapal ang mukha kung ituring ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sina direk Joel Lamangan at Cherry Pie Picache.
Sa grand media conference ng pelikula niyang “Martyr or Murderer” last Feb. 20, ‘di napigilang sagutin ni direk Darryl ang mga patutsada sa kanya ng veteran director at aktres sa presscon ng pelikulang “Oras de Peligro” kung saan sinabi ni direk Joel na tinapatan ng MoM ang ODP na showing na in cinemas sa Marso dahil napaka-importante ng kanilang pelikula at takot si direk Darryl.
Sinabi naman ni Cherry Pie sa interbyu kung may konsensya pa ba ito kasabay ng pagsabing payag siyang gumanap bilang Imelda Marcos pero hindi siya magpapa-direk kay Darryl.
Kaya after the presscon, hinayaan muna ni Direk Darryl na makaalis sa entablado ang mga stars at si Sen. Imee Marcos saka sinagot ang mga patutsada nina direk Joel at Cherry Pie.
Ayon kay direk Darryl, “This is my ultimate statement and I’m gonna repeat it. Huwag masyadong makapal ang mukha ninyo. This is the day of information technology. Lahat ng sasabihin ninyo, may record. For once, hindi kami ang tumatapat. Secondly, ‘di kami natatakot sa inyo. Huwag kayong sinungaling! Kung nagsisinungaling kayo sa dahilan ng paggawa ninyo ng pelikula, paano maniniwala ang tao sa inyo na totoo ang naranasan nyo noong martial law? Now, I am doubting them.”

Dagdag pa nito, “Hindi nyo ako puwedeng sipa-sipain na lang, direk Joel, kaoopera mo palang nung December. Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko para hindi humantong sa ganito, but you just don’t stop. Huwag kang magsinungaling na kami ang tumatapat sa’yo, ikaw ang tumapat sa amin. Kung hindi matanggap ng ego mo na isang gaya ko lang ang tatapatan mo, problema mo na yon.”
Sagot naman nito kay Cherry Pie, “Kung ako po sa inyo Ms. Cherry Pie, nanood ako kanina ng “Tanging Yaman” kasi gustung-gusto ko siya doon para lang hindi ko siya pagsalitaan ng masakit. Ang kaibahan lang sa “Tanging Yaman”, hindi siya iniwan ni Edu (Manzano) doon, asawa kasi siya ni Edu doon.”
“You know direk Joel, Miss Cherry Pie, yung natitira ninyong panahon sa mundong ito, huwag nyong gamitin para magsinungaling. Mag-meeting kayong dalawa kung paano ninyo ipo-promote nang marangal ang pelikula ninyo because we are not using your names, we’re not mentioning your names in any presscon. Stop this jurassic form of promotion. That’s the only and the last statement that I will deliver. Don’t you dare malign my bosses, all the money that was produced here were all from hard work. Viva is not like that. Senator Imee is not like that,” matapang na pahayag ni direk Darryl.
Kasama rin sa Martyr or Murderer sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga,Mayor Isko Moreno, Elizabeth Oropeza, Beverly Salviejo, Cindy Miranda at Jerome Ponce under Viva Films.
