Nakumpiska ng ating kapulisan sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan at San Fernando, La Union ang mahigit dalawang bilyong pisong halaga na pinaniwalaang shabu.

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa Pozorrubio at apat na katao ang mga naaresto.
Magkahiwalay na operasyon nilusob ang pinaniniwalaang safe house ng mga suspek sa lalawigan ng La Union, at isa sa kabilang na naaresto ang isang Chinese National nito.
Isang marked money na nagkakahalagang P5 milyon ang narekober ng mga kapulisan at ibang mga kagamitan na pulling system na ginagamit sa paghatak ng mga kemikal mula sa dagat at gaya ng ibang walkie talkie.
Modus nito ang paglagay umano ng mga suspek sa isang tea bag ang mga droga na may bigat na 40 kilos.
Ayon kay PDEA Deputy Director General Greg Pimentel, na malawak umano ang operasyon ng group mula Region 1, Region 3, 4 at Central Visayas.
Ang pagplano ng kanilang operasyon ay umabot ng tatlong buwan bago maisakatuparan ang kanilang operasyon.
Ang kanilang mga naaresto na mga source na iligal na droga ay ang nagpapakalat sa buong bansa, ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva.
