Nag-anunsyo ang Manila Electric Co. (Meralco) na ang panibagong bawas singil ng kuryente para sa ngayon buwan ng Agosto.
Ayon sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC), bahagi nito ng pagpapatuloy na refund ng kompanya.

Ang overall rate para sa isang typical household ayon sa Meralco ang bawas na 20.87 centavos per kilowatt-hour ngayong buwan ng Agosto hanggang P9.5458/kWh mula sa P9.7545/kWh.
Katumbas nito ng P42 na bawas singil sa kabuuang bill ng isang customer na komukonsumo ng kuryente ng 200 kWh.
Nakalipas na buwan matatandaan natin na ipinag-utos ito ng ERC sa Meralco ang pag-rerefund ng mahigit P21.8 million sa loob lamang ng 12 buwan o hanggang sa fully refunded ang mga naturang halaga nito.
