Pinag-iingat ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko sa dumaraming love scam at sa iba pang mga modus na kumakalat lalo ngayong holiday season.
Ang love scam ay isang modus kung saan may tumatawag o magpapadala ng text messages o email sa isang consignee ng cargos o parcels upang humingi ng pera bilang clearance fees na gagamitin upang maibigay ang shipments mula sa BOC.
Paglilinaw ng BOC, hindi sila tumatawag o nagti-text sa receiver o sa consignee ng bagahe para sabihin na kailangang magpadala o magbigay ng pera, sa pamamagitan ng bank account o money transfer upang mai-release ang bagahe o kargamento.