STYLE SHOWBIZ NI: NONIE V. NICASIO
KAILANGAN ng bansa ang mga tulad ni Virginia Ledesma Rodriguez at ng Act-Agri Kaagapay. Makabuluhan kasi ang adbokasiya nila at makatutulong ng malaki sa ating bansa at sa maraming Pilipino.
Nalaman namin ito sa ginanap na Gift Giving and Feeding projet ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa Child Haus na si Mader Ricky Reyes ang tumatayong guardian angel nito.
Present si Ms. Rodriguez sa naturang event at dito’y nagbahagi rin siya siya ng tulong sa mga batang may sakit sa Child Haus, na nagsisilbing transient house ng mga batang may sakit, kasama ang kanilang parent o guardian, habang ginagamot ng sakit na cancer.
Isinusulong ni Ms. Rodriguez at ng Act Agri-Kaagapay ang paggamit ng organic fertilizer dahil bukod sa mas mura ito, mabuti ito para sa kalusugan.

Aniya, “Hinihingi ko po ang suporta ninyo sa amin sa pagsulong po ng organic fertilizer. Ito po ang solusyon para mapababa po natin iyong presyo ng mga pagkain at para mawala po iyong cancer, kasi po ay organic po siya.”
“Samahan nyo po akong isulong ito sa kongreso dahil mayroon po tayong mga kaibigang scientist na hindi po nabigyan ng opportunity noon na makatulong sa bansa. Dito po sa isusulong natin, binigyan po natin sila ng pagkakataon para makatulong sa bansa, gamit ang mga sangkap na nasa paligid lang natin, galing lang po iyan sa mga waste materials.
“Ito po, malaki po ang maitutulong nito para mapababa ang price ng pagkain at para mawala po ang cancer na nasa pagkain natin ngayon. Kasi po karamihan ng kinakain natin ngayon, napakatatapang po ng mga fertilizer na ginamit dyan. Iyan po ang karaniwang cause ng cancer, galing po iyan sa mga kinakain natin, so dapat tayong mag-ingat.”
Pagpapatuloy pa ni Ms. Rodriguez, “Kung maisusulong po natin ang organic fertilizer sa kongreso malaki ang maitutulong nito sa bansa at sa atin, dahil organic po ito at mas mapapawala natin ang cancer dahil gawa po ito sa waste materials. At mapapababa po natin ang price ng pagkain, gamit ang organic fertilizer.”

“Kung iko-compare nyo kasi ang price ng organic fertilizer, P500 per sack lang iyan at dalawang ektarya na po ang matataniman. Pero yung may kemikal po na ginagamit ngayon, nasa P3,000 to P8,000 po ang price, napakalayo po. Kaya sana po ay makita nyo ang halaga at price ng organic at imported fertilizer.”
“So, samahan nyo po kami na maisulong ito para mapababa natin ang presyo ng mga pagkain at para maiwasan po ang cancer. Maraming salamat po sa pag-imbita ninyo sa akin,” sambit pa ni Ms. Rodriguez.
Ang Act Agri-Kaagapay Organization na may kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at indigenous peoples (IPs)
Ito ay binubuo ng mga eksperto mula sa academe, scientists, seasoned farmers, local leaders, former government officials, at stakeholders na naglalayong isulong ang inklusibong paglago ng pagsasaka sa pamamagitan ng modernisasyon at industriyalisasyon.
Ang Act Agri-Kaagapay founder at president na si Ms. Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan, sa pamamagitan ng paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksiyon ng organikong pataba.
Siya ay dating reporter, matagumpay na negosyante, at pilantropo na author din ng librong “Leave Nobody Hungry,” na ginagamit ngayong gabay ng maraming magsasaka hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.
Si Ms. Rodriguez ay isang civic leader din na nagsusulong ng konstruksiyon ng mas maraming farm to market road para mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamamayan. Ang layunin niya ay malaking tulong upang mapababa ang presyo ng mga agricultural products para sa consumers dahil hindi na ito kinakailangan pang dumaan sa mga middleman.
Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay sa Facebook page ni Ms. Rodriguez na Queen Vi Rodriguez.
-30-
–edited/posted by Anne Venancio
