HUMATAW muli ang Bajaj Three-wheelers sa tarik ng ahunan sa North Luzon Loop, nang sumali ito
sa “Dos Por Dos” 1,200km Endurance Ride na inorganisa ng Equity Machineries, Inc. – isa sa mga
Authorized dealer ng Bajaj nitong ika-2 ng Abril.
Maulang Sabado ng madaling araw nang magsimulang bumiyahe ang mga riders sa Echague,
Isabela kabilang ang kumpletong line up ng Bajaj three-wheelers na hindi nagpatinag kahit madilim ang
daan dahil may twin headlights nito.
Umarangkada ang apat na Bajaj three-wheelers sa mga daan ng Sagada, Mountain Province na
hindi tumirik sa humigit kumulang 30 oras na tuloy-tuloy na biyahe sa matarik at makipot na bulubundukin
ng Quirino Skyline.
May mga two-wheelers na hindi nakapagpatuloy o nahihinto sa kalagitnaan ng loop dahil sa
panaka-nakang pag-ulan, mga nasiraan ng gulong, at iba pa, pero walang dudang tinapos ang nasabing
ride ng paboritong three-wheeler ng Pinas – Bajaj.
Muli, tinanghal na Endurance Ride Finishers ang Bajaj ng matapos nito ang ruta sa ilalim ng 36
oras kaya No.1 Three-wheeler talaga!
Matatandaang hindi ito ang pinakamahaba at matagal na endurance ride ng Bajaj three-wheelers.
2018 noon nang tinahak nito ang Philippine loop sa loob ng 25 araw ang 5,324 km.
Para sa sakay at biyahe na kasama ang Bajaj, bumisita sa https://www.bajaj.com.ph/. (RBC)

