May bagong single ang It’s Showtime Bidaman/actor na si Jiro Custudio entitled “Di Sinasadya”, na available na sa digital platforms under Side Projects Productions mula sa komposisyon ni Port Mallillin na komposer din nina Mitoy, The Boyfriends at Gia Macuja.
“Bale si sir Port Mallillin is pamangkin nina Jun Mallillin at Alex Mallillin na composer ng “Bakit Labis Kitang Mahal” popularized by Boyfriends and Lea Salonga. London base po siya na nagpoprodyus ng mga concerts sa UK at nag-iinvite ng mga Pinoy and international artist. Pamangkin din po siya ng film producer na “Pera, Kwarta, Salapi” si Sir Rusty Mallillin, FAMAS awardee din po.”
Matatandaang naging mainstay noon si Jiro ng “Walang Tulugan with the Mastershowman” at naging runner-up ng BidaMan na talent competition ng “It’s Showtime.”

Last year ay hinirang itong Outstanding Singer and Actor of the Year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022.
Ayon kay Jiro, “Dumating ako sa punto ng buhay na napagod na at gusto ng tumigil sa pag-abot ng pangarap ko. Pero pinaglaban ko at ‘di ko sinukuan ang mga pangarap ko kaya patuloy akong nagsisikap para sa sarili at sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa akin.”
Bukod sa bagong kanta, bibida rin ito sa isang musical film entited “Pera, Kwarta, Salapi” with It’s Showtime Sexy Babe winner, Sam Coloso at nakatakdang pumunta sa London para sa screening nito.
1 Comment
Awesome! Its genuinely remarkable post, I have got much clear idea regarding from this post