Pinangunahan ni Manila Archibishop Jose Cardinal Advincula ang iba’t-ibang sector ng lipunan ngayon Huwebes Santo ang paghuhugas ng paa ng 12 indibidual ngayon araw ng Huwebes Santo.
Ang hakbang na ito ay base na rin sa pananawagan ni Pope Francis sa lahat na dapat makinig ang lahat ng simbahan sa anumang uri ng katayuan ng mga tao sa lipunan, ayon sa ating Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM).
Ang mga indibidwal ay kinabibilangan nina Judge Caroline Rivera-Colasito mula sa judiciary, Dr. Ryan Capitulo mula sa LGBT community, Johhan Joseph Ararao mula sa Intramuros Administration , Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, Alberto Mandia isang magsasaka, kalesa driver Cyril John Sunnga, jeepney driver John Michael Roldan, Angkas rider Manuel Jorge Manarang, mission station priest Ernesto Panelo, Sr. Liane Rainville, , Dumagat indigenous elder Iluminada Sta. Ana at si Raffy Tima.
Ang nasabing washing of the feet ay bahagi ng liturhiya na sumisimbolo sa Last Supper ni Hesus Kristo kasama ang kaniyang apostoles. Isasagawa ang washing of the feet bilang bahagi nito ng evening mass ng Maundy Thursday sa Manila Cathedral sa oras ng alas-singko ng hapon.
