Ayon sa Britain government ng air defense missiles magpapadala ito ng karagdagang supply ng missiles para sa bansang Ukraine para sa pagpatuloy na pag-atake ng Russia at para rin sa kanilang pagdepensa laban dito, bukod rito magbibigay din ng rockets na kayang pabagsakin ang isang cruise missiles.
Palalakasin nito ang air defense ng Ukraine para sa kanilang walang patid na depensa laban sa mga aerial attack ng Russia, ito ay kasunod ng anunsyo ng Western allies nito.

Sinabi ng British defense ministry na ang AMRAAM rockets ay ibibigay sa mga susunod na linggo para magamit sa NASAMS air defense systems na ipinangako nito ng bansang America, ayon sa isang statement nito.
Malaking tulong din ito para mas lubos na maprotektahan ang critical national infrastructure ng bansang Ukraine.
Bukod pa nito ang bansang Britain government ay magpapadala ng daang-daang drones para suportahan ang intelligence services ng Ukraine at iba pang kagamitan tulad ng 18 howitzer artillery guns at mga iilan na bilang na naipadala na sa Ukraine.
