Naka motorcade ng dinala ang bangkay ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang tahanan Tokyo, Japan. Binaril si Abe habang ito’y nagtatalumpati sa isang political campaign noong Biyernes ng umaga sa Southern City ng Nara.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis sa pagpatay kay Japan Prime Minister Shinzo Abe nasabi ng suspek na may sama ng loob siya laban sa isang “specific organization”.

Sinabi ng gunman na si Tetsuya Yamagami, 41 edad, ang ginamit sa pagbaril kay Abe ay isang homemade gun, aniya ni Yamagami.
Nagbigay galang ang mga miyembro ng kanyang naghaharing Liberal Democratic Party (LDP) na nakasuot na itim upang magbigay galang o respeto sa mga naulila. Dumating ang bangkay na nagdadala ng bangkay ni Abe sa kanyang tirahan sa Tokyo.
Si Abe ang pinakamatagal na naglingkod sa punong ministro ng Japan ang pagkamatay niya sa edad na 67 ay labis na ikinagulat ng ibang bansa kung saan ang gun crime ay napakabihirang mangyari sa Japan nito.

Inaasahang bibisita sa kaniyang burol ang kasalukuyang Punong Ministro ng Japan na si Fumio Kishida.
Isang night vigil ang gaganapin sa Tokyo sa Lunes at magaganap ang libing ni Abe ay sa Martes, ayon sa ulot ng lokal na media.
