TANAUAN CITY — Arestado ang isang lalaki matapos itong mahuli na nagnakaw ng panabong na manok sa isang farm sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.
Kinilala ng Tanauan City Police Station ang suspek na si Raynald Herminigildo, 21 anyos at residente ng Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon, alas-7:30 ng gabi ng Mayo 26 nang makita ng caretaker ng farm ang suspek na dala-dala umano ang isang panabong na manok galing sa farm na pinagtatrabahuhan nito.
Kaagad na humingi ng tulong ang caretaker sa nagpapatrolyang BPSO ng Brgy. Darasa ng nasabing bayan.
Dahil dito, naaresto ang suspek at narekober ang panabong na manok na ninakaw nito.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang naturang suspek. (Ogima)
