Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) pinag-aaralan na nila ito ang lahat ng mga fare hike petitions na inihain sa kanilang tanggapan ng mga iba’t-ibang transport group nito.
Ang kinatawan ng LRTFB na si Chairman Martin Delgra, maraming bilang na nag submit ng kani-kanilang petisyon ukol sa fare hike nito, sa pagpatuloy na pagbulusok ng presyo ng langis sa bansa.
Kinumpirma nito na palalawagin pa ang service contracting program nito ng mga ilang buwan dahil sa mayroon inilaan silang pondo para dito.
Nilinaw nito na hindi sila basta-basta nag-aapruba ng mga pagtaas pasahe dahil dito ay maaaring mayroong epekto sa ating ekonomiya kung saan lubos na labis na maaapektuhan dito ay ang mga commuters.
Dahil dito nakikipag-ugnayan na ang kawani ng Department of Energy upang talakayin ang pwedeng mangyaring gawing tulong sa mga drivers at operators na labis na patuloy na pagtaas ng presyo na diesel at gasoline nito.
