Dineklarang pang-lima sa buong mundo na may worst public transportation ang Maynila ayon sa pag-aaral ng Urban Mobility Readiness Index (UMRI) 2022 na ginawa ng think tank na naka-base sa US na Oliver Wyman Forum at ng University of California.
Nangunguna rito ang Johannesburg (South Africa) na sinundan ng Riyadh (Saudi Arabia), Nairobi (Kenya) at Jeddah (Saudi Arabia).
Nakakuha lamang ang Maynila ng 31.9% habang ang global average ay nasa 51.7%.
Ang kabisera ng Norway na Oslo ay nanguna para sa sustainable mobility.
