STO TOMAS City, Batangas — Kalaboso ang tatlong drug personalities matapos mahulihan ng nasa P462K na halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operations sa Batangas City kamakalawa.
Batay sa ulat ni Batangas PPO Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN ANTONIO C YARRA, dakong alas-2:55 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Batangas City Police Station sa Brgy Dumantay, Batangas City kung saan naaresto ang dalawang suspek na sina Arnold Arellano y Abacan @Tatcho, 51, walang trabaho, at residente ng nabanggit na lugar at si Rosalina Bautista y Blay @Rosalie, 45, massage therapist, at residente ng Brgy. Balete, Batangas City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 53 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P360,400.00, P1,000 buy-bust money na nakaibabaw sa boodle money.
Sa isa pang buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Balete, Batangas City dakong alas 1:45 ng hapon ng mga operatiba ng Office of the Provincial Director-Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Batangas City Police Station, naaresto ang isa pang suspek na si Josie Sumarsar y Mendoza @ Ute, 63, walang trabaho, tubong Brgy Lapolapo 1, San Jose, Batangas at nakumpiska mula rito ang nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00, at buybust money na P30,000.00.
Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” (ai/mtvn)
