Hindi inakala ng back ride na si Gigi Familara na putol na pala ang paa ng kanyang kasama matapos na sumabit ang minamanehong motorsiklo sa nakahintong pampasaherong dyip sa national highway sa Brgy. Bugtong na Pulo, Lipa City, Batangas.
Ang biktima ay nakilalang si Frederick An, 30, ng Brgy. Sto. Niño, Taysan, Batangas.
Batay sa imbestigasyon ng Lipa City police, tumama ang binti ng biktima sa bumper.
Nakatakas naman ang drayber ng dyip na hindi rin nakuhanan ng plate number.
