Hindi namamatay ang issue na si Regine Velasquez ay ampon, sa totoo lang.
Namatay na’t lahat si Mang Gerry Velasquez ay heto naman ang text message ni Agnes Zacarias Simon, ang isa sa mga kapatid ng nawawalang si Norma Zacarias, ang magaling kumantang ipinanganak sa Polillo at lumaki sa Infanta, Quezon na umano’y si Regine.
Nagsimula ang lahat nang mapanood ng buhay pa noong si Aling Remy Zacarias si Velasquez na contestant sa “Ang Bagong Kampeon.” Lukso ng dugo ani Aling Remy ang naramdaman niya kay Regine kaya inari niya itong si Norma na kilala rin sa tawag na Matot.
Itinanggi ni Regine na siya ay ampon bagamat maraming puzzle na dapat pang ma-solve.
Kamakailan nga ay nagpadala si Agnes ng text message sa Facebook kay katotong Boy Villasanta. Ang isa sa mga pamangkin ni Agnes na nagtatrabaho sa munisipyo sa Polillo ay nagkuwento kay Agnes.
Ito ang orihinal na mensahe si Zacarias-Simon: “Kuya bpy alam mobang kinukuha ng pamangkin ko ang B certificate ni norama zacarias sbi sa amun sa minisipyo bawal nadaw tapos may nagpuntang abugado sa polillpo at sinabing alam nyo bang mataas na tao yang c norma zacarias at kilalang kilala yan.
“Ang ibig sabihin sya nga ang norma calusin zacarias na taga polillo.”
By Art Tapalla
