Ang sanhi ng pagkamatay ni Queen Elizabeth II ay nilabas na ng Buckingham Palace.
Mula sa dokumento ng National Records of Scotland, namatay ang monarch queen dahil na rin sa kanyang katandaan nito.

Namayapa ang monarch queen sa edad na 96 at sa oras na 3:10 ng hapon sa United Kingdom noong Setyembre 8 ng Balmoral Castle sa Ballater, Scotland.
Pirmado ito ng kanyang anak na babae na si Princess Anne ang dokumento na naglalahad ng sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.
