Nagmistulang batis ang kahabaan ng Tandang Sora Extention sa Quezon City nang isang tubo ng Maynilad ang nasira at walang tigil ang pagbulwak ng tubig dito na nagpahirap sa mga motorista at mga residente sa lugar.
Nawalan na nga sila ng supply na tubig ay perwisyo pa ang inabot ng mga residente reklamo ng ibang residente.
Hinayang na hinayang naman ang ilang motorista sa nakikitang pagkasayang ng tubig na ayon pa sa ilang taga roon ay kahapon pa ng alas-3 ng Huwebes nagsimula ang pag-apaw ng tubig at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nagagawang remedyo ang pamunuan ng nasabing tanggapan ng Maynilad.
(Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)
