Ang mga pahayag ng pamunuan ng Maharlika Pilipinas Basketball Leage (MPBL) kaugnay sa naganap na insidenteng kinasangkutan ni San Juan Knights-Go For Gold team si assistant coach Yong Garcia ng isang buwang suspension kasunod na insidenteng kinasasangkutan na pagdura sa likod ng kanang balikat sa Valenzuela na manlalaro na si Lordi Casajeros noong Lunes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa isang dead-ball situation sa huling bahagi ng second quarter.
“MPBL condemns any and all kinds of unsportsmanlike conduct, especially deliberate acts of violence,” ”Our management will not tolerate such unethical acts that damaged our beloved city and our name in basketball,” “May this be a reminder to everyone who wishes to tarnish the reputation and image of not just the league and all of its stakeholders but the game of basketball itself.”
“Hindi kukunsintihin ng ating SJK-GFG management ang mga ganitong unethical acts na nakasira sa ating minamahal na lungsod at sa ating pangalan sa basketball. Sa sobrang panghihinayang, magkakabisa kaagad ang suspension.”
Inanunsyo ng management ng team ang development nitong Martes ng hapon habang idinagdag na hindi rin matatanggap ni Garcia ang kanyang mga allowance at insentibo sa nagpapatuloy na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2022.
Bukod sa pagkondena pinatawan nito si Yong ng nagkakahalagang P60,000. Kinakailangan nitong bayaran ng buo ang halagang pinatawan sa kanya bago siya pahintulutang makapag-coach muli sa MPBL.
