May alok na murang airfare ang AirAsia Philippines sa halagang P112 para sa domestic at P412 para sa international ngayong holiday season.
Maaaring mag-avail ang mga guest ng AirAsia ng 12.12 Holideals hanggang Disyembre 18, 2022 na ang biyahe ay epektibo hanggang Hunyo 30, 2023.
Kabilang din sa mga ruta ng AirAsia na may discounted fare ay ang Manila-Tokyo na magsisimula sa Pebrero 2023.
Naitala na nitong buwan ng Nobyembre 2022 ang mataas na bilang ng mga napalipad na mga pasahero ng AirAsia ay umabot sa 90% sa domestic at 80% naman para sa International na load factor.
Partikular sa mga biyahe nito na Manila-Caticlan, Manila-Cebu, Manila-Bangkok at Manila-Incheon na mga ruta.