BEYOND RF by: Rodel Fernando
23 years na pala bilang hepe ng Public Attorneys Office o PAO ang magiting na Manananggol ng Bayan na si Attorney Persida V. Rueda- Acosta. Itinalaga siya sa tungkulin noong Feb. 19, 2001 sa ilalim ng administrasyon ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.
Lubos nga ang pasasalamat ni PAO Chief sa Panginoong Diyos sa patuloy na paggabay sa kanya sa isang pamamahalang ipinagkatiwala sa kanya ng mahabang panahon.
“Thank you very much Lord Thy God for your guidance, blessings, strength and love so that she has been your daughter for the rule of law, justice, and equity for the poor, marginalized, oppressed, and downtrodden,” pakli niya.

Kasiyahan nga para sa kanya ang patuloy na maglingkod sa mga mamamayan lalo na sa mga naaapi na pinagdadamutan ng katarungan.
Sa pagiging patas, maka-Bayan, matulungin at maka-Diyos niya ay hindi malayong makakarating pa ang pamumuno niya sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Sa katunayan, marami nga ang nag-uudyok sa kanya na tumakbo bilang Senador pero ito ay masusi at malalim pa niyang pinag-iisipan.
Sa kabila nga ng kanyang tagumpay bilang isa sa mga kilalang tao sa larangan ng Serbisyo-Publiko, nananatiling simple at hindi mayabang.
Palagi niya kasing tinatandaan at nilalagay sa kanyang utak ang payo ng kanyang mga magulang na palaging mapagpakumbaba sa anumang tagumpay na kanyang mararating.

“KAHIT HINDI NIYO AKO TAWAGING ATTORNEY, CHIEF, O DR. ACOSTA (DOCTOR OF SOCIAL DEVELOPMENT) ANG MAHALAGA, NANANATILING NAKATAPAK SA LUPA AT MAPAGPAKUMBABA.”
Isa pa sa magandang ugali ni PAO Chief Acosta ay ang palaging magpasalamat sa mga biyayang dumarating maliit man ito malaki.
Ngayong nasa ika-23 na siya sa serbisyo sa PAO, nangangako siya na lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.
Samantala, ang 2023 ay makasaysayan para sa Public Attorney’s Office dahil sa taong ito, nakatanggap ng 52 awards and recognitions ang butihing Chief Public Attorney na si Dr. Persida V. Rueda-Acosta, DSD.
Sa totoo lang, siya lang yata ang masasabing may tala ng may pinaka-maraming award na natanggap sa mga nasa sangay ng gobyerno.
Hindi naman ito kataka-taka dahil nakikita at nararamdaman ng tao ang mahusay at tapat niyang serbisyo.
Congratulations po Chief Acosta sa iyong ika-23 anibersaryo sa PAO at siyempre pagbati rin po sa iyong pagiging Multi-Awarded Public Servant.
–edited/posted by Anne Venancio
