CENTRAL MINDANAO – Labis ang tuwa’t pasasalamat sa nakatanggap na Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD sa North Cotabato na higit kumulang na 879 benepisaryong kanilang tinanggap ang P2.9M na cash payout mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza personal niyang pinasalamatan ang tanggapan nina Senator Joel Villanueva at Senator Loren Legada bilang maging kapartners ng DOLE upang ipamahagi nila ang nasabing tulong para sa mga Cotabateño nito.
Ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City at lumahok nito sina Congresswoman Samantha Santos, ng 3rd District Board Members Ivy Dalumpines, si Jonathan Tabara at TUPAD Coordinator Mr. Kenneth Paul Pacatay sa nasabing aktibidad.
Ang isang programa ng DOLE o TUPAD ay may layuning ipamahagi ang tulong indibidwal para sa higit na nawalan ng hanapbuhay na lubos na naapektuhan dahil sa pandemya.
