Tumaas ng 5.7% ang cash remittance mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na umabot sa $2.64 bilyon dahil sa paglago ng padala na natatanggap mula sa land at sea-based workers.
Tumaas din ng 5.8% ang personal remittances o mula $2.77 bilyon noong Nobyembre 2021 sa $2.93 bilyon noong Nobyembre 2022.
Lumago rin ng 3.4% ang personal remittances sa unang 11 buwan ng 2022 sa $32.65 bilyon kumpara sa $31.59 bilyon sa kaparehon panahon noong 2021.
Isa rin sa itinuturong dahilan ay ang Christmas holidays at ang mataas na palitan ng piso kontra dolyar.
