Pormal na nanumpa bilang ika 17th presidente ng Pilipinas si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. eksaktong alas 12:00 ng tanghali, sa National Museum of the Arts sa lungsod ng Maynila.
Ang kanyang inaugural speech, ang mga pangakong binitawan ni Bongbong Marcos Jr. na hindi mababaliwala ang kanyang mga binitawang pangako sa mga mamamayang Pilipino ng kasagsagan ng halalan.
Nanumpa si Marcos kahapon, huwebes (June 30, 2022) itinaas ang kanyang kanang kamay at ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong ito sa bibliya sa harap ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakakaya panahon na para suklian ang lahat ng pangangailangan ng mga taongbayan.
Naganap ang programa na inabot higit kumulang 30 minutos kasama na ang civic parade at mga military nito.
Ang kanyang 25 minuto na talumpati binigyan diin nito ang kanyang pagkaluklok ay upang hindi balikan ang mga nakaraan kundi ang kinabukasan.
“I am here not to talk about the past, I am here to tell you about our future. A future of sufficiency, even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing by you, by me,” ani Marcos. “We do not look back but ahead. Up the road that we must take to a place better than the one we lost in the pandemic. Gains made and lost, opportunities missed, well-laid plans superseded by the pandemic.”
Tiniyak na magiging maayos na kinabukasan at maraming magagawa lalo na marami ang nawala at naapektuhan ng Covid Pandemic.
Nagpahapyaw din ito sa mga kritiko ukol naman sa mga gagamitin sa pag-aaral ng mga bata sa paaralan.
Nais ni Marcos ang ay I-back to basics, higit sa lahat ang sciences, vocational skills at theoretical aptitude.

Kabilang sa tinalakay nito ang agrikultura na napagiwanan na ng panahon at ngayong bibigyan nya ng pansin, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa epekto ng giyera sa Ukraine at Russia.
Kung maalala una nang nangangamba ang ilang sektor na baka baguhin ang kasaysayan lalo na sa mga libro na ituturo sa mga bata ukol sa isyu ng martial law.
Ipinagmalaki niya na katuwang nya rito ang kanyang Vice President Sara Duterte na hahawakan niya din ang DepEd.
Kasabay nito, nangako naman ang bagong pangulo na sapat na anim na taon upang magkaroon tayo ng malaking pagbabago sa ating bansa.
Lahat umano ng mga lugar sa bansa ay titiyakin niyang hindi pababayaan.
“I am here not to talk about the past, I am here to tell you about our future. A future of sufficiency,” pagbibigay diin pa ni Marcos.
Samantala, nagbigay pugay din naman si Marcos sa pinalitan niya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa magaganda nitong nagawa kabilang na sa mga programa sa imprastratuka na lalo pa niyang pag-iibayuhin, at itoy kanyang ipagpapatuloy ang kaniyang nasimulan para sa kinabukasan ng ating bayan.
