NAGKAISA Labor Coalition
Ref. Atty. Sonny Matula
Chairperson
Saludo kami sa mga manggagawa ng Sofitel! Matapos ang ilang linggong pag-piket sa labas ng hotel dahil sa nalalapit na pagkawala ng kanilang mga trabaho at ang pagtitiis sa oras ng mga pagdinig sa conciliation meetings. Tagumpay at nakamit na ng mga manggagawa ng Sofitel Philippine Plaza ang katiyakan mula sa kanilang mga employer na maaari silang makabalik sa kanilang mga trabaho sakaling magbukas muli ang hotel.
Nagpapasalamat rin tayo sa ibang mga unyon at organisayon na nakiisa at sumuporta para ang laban ng mga manggagawa sa Sofitel para magtagumpay. Ang huling picket sa harap ng hotel ay noong Hunyo 30 at nagsara ito noong Hulyo 1.
Ang dalawang unyon ng Sofitel para sa mga rank-and-file na manggagawa at mga superbisor sa ilalim ng National Union of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries (NUWHRAIN), kasama ang pamunuan, ay nakarating sa isang kasunduan noong Martes ng gabi, Hulyo 2 kaharap sa NCMB-DOLE.
Kaya dapat mag-organisa ang mga manggagawa ng unyon para maprotektahan ang kaseguruhan sa trabaho at maitaas ang kanilang mga benepisyo.
Ang tagumpay na ito ay isang patunay na ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mga manggagawa ay makakapagbigay ng kongkretong resulta. Hinihikayat namin ang lahat ng manggagawa na mag-organisa at magtatag ng kanilang unyon upang masiguro ang kanilang mga karapatan at mapabuti ang kanilang kalagayan sa trabaho.
NAGKAISA Labor Coalition