Aasahan na muling babawi ang NBA superstar na si Steph Curry sa Game 6 sa darating na Biyernes ng NBA Finals, maraming sablay ang ginawang tira ni Curry ngunit kahit papaano ang nagawa pa rin na Manalo ang Golden States Warriors laban sa Boston Celtics nito.
Naitala nito 16 puntos ni Curry ngunit kahit isang three-point shot ang ginawa nito sa siyam na tira ay sadyang bokya ang lahat ng ito.
Asahan raw na magpapakitang gilas sa susunod na laro sa darating na Game 6 si Curry sa mismong homecourt nito sa Boston, gagawin ang lahat upang mapanalo nila ang larong ito dahil isang panalo na lang ang kanilang kailangan upang maging ganap na Kampeon.
“He’s going to be livid going into Game 6 and that’s exactly what we need,” ani Green.
Ayon sa veteran player ng Warriors na si Draymond Green, hindi man masyadong nakaporma sa kanyang mga tira si Curry, malaking tulong naman ang nagawa ng kanyang mga teammates.
Maganda naman ang naging depensa ng coach ng Celtics upang limitahan ang galaw at puntos ni Curry, ngunit hindi lang kay Curry dapat naka focus maging sa ibang mga players nito ng Warriors sa darating na Game 6 nitong Biyernes.
Aniya, nang mabantayan nila ito mistulang nalipat naman sa ibang players ng Warriors ang point production na ginagawa ni Curry.
“But we have to do it on the others,” giit pa ni Udoka.
