Sinimulan na noong Nobyembre 27 CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC) ang dagdag singil sa toll sa mga motorista na dumadaan sa CAVITEX C5 Link na binuksan noong Agosto 14, 2022.
P35.00 ang singil para sa Class 1 habang ang Class 2 ay P69.00 at P104.00 naman sa mga Class 3 motorists.
Ang Segment 1 ay sumasakop ng Taguig patungong Merville habang ang Segment 3.2 ay sinasakupan nito ang Merville hanggang E. Rodriguez.
Aabot ng 7.7 kilometers ang haba ng CAVITEX C5 na magkokonekta sa CAVITEX sa 2023.
