đNagpahayag ng suporta si Alan Peter Cayetano sa pagpapasimple ng pagkuha ng tulong mula sa pamahalaan sa ilalim ng Senate Bill No. 155 o Simplified Government Aid Access Act, ngunit iginiit niyang dapat itong samahan ng pangmatagalang programa para maging self-sufficient ang maliliit na negosyo at mga pamilya.đ«Ą
Ayon sa kanya, mahalaga ang mabilis at walang pulitikang ayuda lalo na sa mga emergency tulad ng pagkakasakit at agarang pangangailangan sa bahay. Gayunman, hindi dapat umasa lamang sa doleout ang mga Pilipino. Dapat ding palakasin ang entrepreneurship, access sa puhunan, edukasyon, at kalusugan upang tuluyang mabawasan ang pagdepende sa ayuda at maitaguyod ang sariling kabuhayan.`

