Ang araw ng pagbubukas ng mga sementaryo at kolumbaryo sa Taguig City ay limitado lamang sa araw ng Undas nito.
Mula sa alas-6 ng umaga ito bubuksan at isasara ng alas-6 ng gabi simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon ito sa Taguig LGu, ang libingan sa kanilang syudad ay karamihan bubuksan lamang ng alas-6 ng umaga at isasara ito ng alas-6 ng gabi, alas-8 ng gabi, at alas-10 ng gabi lamang.
Sa lahat ng mga bibisita sa mga sementeryo ay pinapayuhan na pumunta ng maaga upang hindi mapasabay sa dagsa ng mga tao sa araw ng Undas.
Pinaalalahanan ang lahat ng publiko na magsuot pa rin ng face mask bilang karagdagang proteksyon dahil meron pa ring Covid-19.
Mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagdala sa loob ng sementeryo at kolumbaryo ng posibleng makasunog na bagay, maiingay na gamit, alak, iligal ng droga, matutulis na bagay at baril.
