Ipinagmamalaki ni direk Louie Ignacio na walang arte si Ai Ai delas Alas bilang lola Edna sa mga eksenang naka-underwear lang ito kung saan pinaliliguan siya ni Quinn Carillo na gumaganap na istriktong caretaker.

Ayon kay direk Louie, ‘di siya nahirapan sa mga eksena ng aktres.
“May eksenang pinaliliguan si Ai Ai. Nung sinabi ko sa kanya na Ai, kailangan mong maghubad sa eksenang paliliguan ka. Ok lang ba? Ang sagot naman niya, okey lang direk, basta ikaw na ang bahala,” kwento pa ng magaling na direktor.

“Sa totoo lang, kompatible na ako ‘pag si Ai Ai ang artista ko. Hindi ako nahihirapan dahil pangatlong pelikula na itong Litrato na pinagsamahan namin. Kumbaga, panatag na ako kapag siya ang artista ko,” diin pa nito.
-edited by Anne Venancio

