Kilala ang Bureau of Customs (BOC) na isa sa mga gateway ng mga iligal na droga na nanggagaling sa iba’t ibang bansa kaya tinutukan ito ng nakaraang administrasyon para supilin ang walang habas na pagsuplay ng mga droga kung saan ang shabu o ang methamphetamine ang pangunahing produkto.
Ayon kay Arnaldo dela Torre, sa huling taon ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nakumpiskang iligal na droga ng BOC mula sa mga pantalan hanggang sa mga paliparan ng bansa na halos umabot sa 12 bilyong piso ang halaga.
Landmark pa umano kung maituturing ni Torres ang taong 2022 para sa BOC dahil sa makasaysayang bilang ng mga nasamsam na iligal na droga dahil sa modernisasyon ng naturang tanggapan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakapaloob sa Executive Order 70 o whole of government approach.
