Inulan ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang madaling araw hanggang katamtamang ulan ang naranasan sa Marikina Caloocan, Quezon City at Maynila, wala naman naiulat na mga pagbaha sa ngayon.

Nakataas pa rin Rainfall Advisory sa Metro Manila, apektado rin ang Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.
Tatagal ang babala hanggang alas-otso ng umaga ayon sa Pagasa epekto ng high Amihan ang paguulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.
