Tuloy ang operasyon ng ‘Kadiwa ng Pasko’ kahit matapos ang holiday season na target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing national program.
Aniya, “Ang Kadiwa Project ang best Christmas gift na maaring ibigay ng gobyerno sa publiko. Mas mura ang mga presyo ng bilihin na makakapagbenepisyo sa mga consumer at makakapagbigay ng market sa mga local agricultural producers maging sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
