Nagsagawa ng search and rescue operation ang Coast Guard Sub-station Mercedes at Coast Guard Special Operation Group – Bicol para mahanap at mailigtas ang labing limang mangingisdang sakay ng bangka na FB Prince Arnold huling naitala 15-20 nautical miles ng Butauanan Island, Camarines Norte.

Napag alaman na tatlong araw ng nawawala ang nasabing mga mangingisda. Ayon sa may-ari ng banka na si Mr. Arnold Leynes, nasira ang makina ng nasabing bangka dahilang ito ay palutang-lutang na lamang sa katubigan ng Siruma,Camarines Norte. Nasabi din ni Mr. Leynes na ligtas ang lahat ng mangingisda at ang dalawang mangingisda na sina Mr. Michael Agor ng Barangay 7 at Mr. Jojo Labrador ng Barangay parehong taga Mercedes ay na rescue na ng isang banka na dumaan sa nasabing katubigan.
Ngayong araw, 03:00am, ang mga tauhan ng PCG lulan ng Motorbanca Amihan na may labing-limang tauhan ay umalis na sa Mercedes,Camarines Norte para magsagawa ng search and rescue sa nasabing bangka. Coast Guard District Bicol FB page and Photos